Kamagong

Ang pagiging kasambahay ay higit pa sa karamihan ng propesyon

Hatinggabi na ngunit ang kasambahay ng aking tiyahin ay matapos mapatulog ang mga bata ay naiigib pa. Bukod dito maghapon siyang nag-aalaga ng 3 bata, nagluto at naglinis ng bahay. Itinuturing na siyang ikalawang magulang ng aking mga pamangkin, guro at kalaro.

Ngunit tumatanggap lamang ang kanilang kasambahay ng buwanang sahod na 3 libo, at walang mga benipisyo.

Isa lamang siya sa mga maraming kasambahay na nagtatrabaho ng labis at sobra sa oras ngunit hindi sapat ang kita.

At kung maikukumpara ito sa iba pang trabaho, tulad sa opisina o ano pa man ay mas marami ang kanilang trabaho, mas mabigat at malaki ring responsibilidad.

Kung kaya nga't ang iba ay gusto na lamang maging tambay kaysa pumasok bilang kasambahay.

Bagaman, karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral at hindi nakapagtapos sa hayskul ay kakaiba pa rin ang kanilang mga ipinamamalas na kaalaman.

Karaniwang kumukuha ang isang pamilya ng kasambahay kapag ang mga magulang sa isang pamilya ay parehong nagtatrabaho, o kaya hindi na magampanan ang gawain sa bahay at ang iba ay para may paghabilinan ng mga anak nila. Minsan naman ay nakukulitan lang sa kanilang supling kaya inihahabilin.

Bigyan natin ng dagdag na pagpapahalaga ang ating mga kasambahay.

Share 

Comment

You need to be a member of Batangueno Bloggers to add comments!

Join this Ning Network

Siomai Comment by Siomai on December 9, 2008 at 6:14pm
Amen! :)

© 2009   Created by itot54joni on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service