Alma

Akalain Mo, May Paraiso Pala Sa Amin!

After two years, nung Huwebes Santo lang ako umuwi sa amin sa
Talisay. Pagkatapos ng aming mataimtim na paggunita sa Pasyon ng
Panginoon sa pamamagitan ng Visita Iglesia sa Tagaytay, bumaba kami sa
Talisay para dumalaw.

Nagyaya ang Tita Mary ko na mag-stop over sa resort ng kanyang kaklase
sa Banga. At pagpasok pa lang namin sa gate ng resort, nalaglag na
ang aking panga at hindi ko napigilang isiping "Aba! Ano ba itong
pinasok namin? Talisay pa nga ba ito?"

Nasa Balai Isabel pala kami. Pagkakita pa lamang ng may-ari sa amin
na si G. Nelson Terrible, special treatment na kami! Nagmistulang
class reunion habang nagmemeryenda kami kasi isa-isang dumating ang
iba pa nilang kabarkada.

At habang nag-kukwentuhan sila, hindi pa rin ako makapaniwala... Nasa
langit na ba ako?

At noon ko naisip na napakatagal ko na palang hindi umuuwi sa
Talisay. Pero dahil sa bagong world-class resort/ hotel na pinuntahan
namin, sa palagay ko ay mapapdalas na. Dahil gusto kong dalhin ang
aking mga kaibigang taga-Maynila sa aming bayan. Para naman makita
nila na bagama't mistulang natutulog ang aming bayan, may nakatagong
paraiso dito na dapat matuklasan.

At dahil din sa napakagandang lugar na ito, may isang adhikaing nabuo
nang araw na iyon. Natanim sa aking puso, sampu ng aking mga kasama
ng mga oras na iyon, na ang aming bayan ay tunay na napakayaman. At
nangako kaming pangangalagaan ang yamang ito para naman may abutan pa
ang mga susunod na henerasyon ng mga taga-Talisay.

Share 

Comment

You need to be a member of Batangueno Bloggers to add comments!

Join this Ning Network

© 2009   Created by itot54joni on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service